BATANGAS WWME NEWS

 

 
BIYAHENG BATANGAS

Last June 10 the LC/ DJ Group of  James and Josie has reachout to Batangas and campaigned for our Silver Jubilee in Cebu.
Terry Marnie gave the first module of the Prelude to Silver. Those who went to Batangas were James & Josie, Dante & Nena,  Rodel & Cecile and Terry & Marnie. The campaign brought about a renewed commitment of the Batangas couples to be active and really campaign for Cebu.
 

Free and easy!! Join the wmephils e-mail listing .

By joining, you will be able to exchange messages with other group members. eGroups also makes it easy to store
photos and files, coordinate events and more. To subscribe to our e-mail listing, send an e-mail to
wmephils-subscribe@egroups.com an e-mail will be sent back to you and you just reply to it...bingo! You become a
member automatically...  Let's do it!

" WE REMEMBER, WE CELEBRATE, WE BELIEVE"

Hello there dear Lovers. Are you already aware that our WWME-Philippines Silver Anniversary is forthcoming?
Yes! our beloved apostolate will be 25 years touching the lives of countless couples and thier families.
It is going to be a momentous event next year, November 16-19, 2001.

Join the bandwagon and don't be left out.  It will be a once in a lifetime event.

Alot of prepartion is going on right now, and the organizers wants you to join in. In the coming months
couples from the organizing commitee will come and visit you, to drum up awareness from all of you couples who believe in the sacrament of matrimony and priesthood.

Stop whatever you are doing and book this event in your calendar.
We want as many couples as possible to attend this dream come true event. See you soon.

___________________________________




Batangas had their weekend last March 17-19, 2000 with 9 couples. The teams were Nick & Nora, Ludy & Lowell and Ganny & Nards with Fr. Rollie Castillo.  They will be having a recollection on Sunday,  April 2, 2000 followed by a Rookie renewal of the 9 couples who attended.  Msgr. Rollie used to give weekends in the mid 80's before he left for the US.  He is back here for good and promise to give weekends and deepers for the WWME couples.

Buod ng sulat nila Nick & Nora para sa ating lahat;

Bumisita sila Terry & Marnie Malicse, ang National Coordinator ng Worldwide Marriage Encounter sa Pilipinas, noong ika-23 ng Enero, 2000.  Si Dodie & Eding Dizon, ang Zone Coordinator ng Batangas, ay nagpahiwatig na gusto na nilang magpass-on ng leadership, kaya't nagpasiya sila Terry & Marnie na isagawa na ang discernment para sa Batangas Zone.

Sa pamamagitan ng discernment, naka-18 rounds ng botohan bago muling napili na mamuno muli sila Nick & Nora Ureta.  Isinagawa ang discernment sa LaForce, sa Lipa, na dinaluhan ng mga magkakabiyak na buhat pa sa komunidad ng Bauan, Tinutik, Cuenca at Tanauan, mga bayan sa Batangas.  May mga mag-asawahan ding nag-buhat sa komunidad ng Carmona, Cavite at Maynila.  Nandodoon rin si Msgr. Rollie Castillo.
Noong una, tumatanggi sina Nick at Nora na muling mamuno dahil wika nila,"Mahaba na ang panahong iniukol namin sa samahan at nag-aalaga kami ng inang 91 yrs old at mga apo. Nais sana naming mamili ng ibang mag-asawa na may bagong ideya, mga bata pa at may ibubuga, ika nga".

"Ngunit nangyari ang hindi namin inaasahan at bagaman mabigat ang aming pakiramdam ay tinanggap namin. Sinuri namin ang magiging kahulugan nito sa aming buhay ngayon, at nakita namin na higit pang panahon, kakayahan at materyal na bagay at pagtatalaga ng sarili ang kakailanganin".

Nanaig pa rin sa puso nila Nick & Nora ang pagnanais nilang ibahagi ang kanilang karanasan sa maraming mga mag-asawa na dumaraing sa hirap ng buhay at kung hindi man tahasan dumaraing ay nababanaag sa kanilang mukha ang bigat na dinadala sa kanilang dibdib, lalo't higit yung mag-asawang hindi pera ang problema kundi suliranin sa relasyon sa bahay, sa asawa, mga anak at iba pang kasam-bahay.

Sa muli nilang pagbabalik ay naging inspirasyon na nila ang minamahal na Msgr. Litong na palaging nagpapa-alala at nagsasabing, "Iyan ay hindi gawain, iyan ay Buhay."  At inspirasyon din ang familiar na katagang:

"Hindi kayo ang pumili sa Akin, Ako ang pumili sa inyo."

Kaya't dalawang linggo matapos na sila'y piliin ay dumalo sila sa National Board Meeting na ginanap sa Tagaytay noong Feb. 4,5,6.  Muling binigyan sila ng buhay ng pamunuan ng iba't-ibang pamunuan ng WME Phils. - katulad ng Basilan, Dumaguete, Cagayan de Oro, Cebu, Bacolod, Iloilo at Manila. Nandoon din si Fr. Loi Nacorda ng Basilan.

Mula ng malipat si Fr. Fred Piad sa bagong niyang destino at ang pagkamatay ni Msgr. Litong ay nadama nila ang malaking dagok sa ating Samahan ngunit, nagbigay inspirasyon kina Nick at Nora ang pagsama ni Msgr. Rollie para umattend sa National Board Meeting. Dagdag pa ang kasiyahang nadama nila Nick at Nora sa masisiglang pamunuan ng WME sa iba't-ibang dako ng Pilipinas.

Na-challenged ang mag-asawang Nick at Nora sa halos pare-parehong problema ng komunidad na nagbunsod para sila ay kumilos. Gusto nilang ibalik ang dating sigla ng Samahan at sa bagay na ito ay humihingi ng tulong sila Nick & Nora.  Ika pa nila, "Hindi namin kayang gawin ito na kami lang mag-asawa, kailangan namin kayong lahat."

Noong kasiglahan pa ng Samahan ay nag-a-average ng 18 couples per weekend, subali't ngayon ay umuunti na ang participants sa weekend. Noong taong 1999 ay naka-4 lang na weekends sa Batangas at 28 couples lang kabuoang recruits sa taong 1999.

Kaya ngayon taon ng 2000 ay pangarap ng Batangas na doblehin ang weekends ng nakaraang taon at target nila ay 15 couples every weekends. At hiling ng "bagong-dating" Batangas Zone coordinator na tulungan natin sila.  May schedule sila ng weekends sa Capuchin Retreat House at under renovation pa ang dating venue na Redemptorists.

Sa pag-tutuos ng gastos, ang isang mag-asawa na mag-weekend sa Capuchin Retreat House, ay P2,000/. Sa pangarap na 15 couples/weekend ay kakailanganin ay P36,000, kasama ang 3 team couples, ngunit di ang mga supplies.  Kaya't nakakagulat at kung baga sa kahon ay napakabigat!, ika nila Nick & Nora.  Pero kung pag-uusungan natin ito ay tiyak na gagaan.  Kaya kami ay nag-papausong sa lahat ng kinaukulan.

Narito ang proposal na pag-papausong.  Ang halagang P36,000 ay mangangahulugan ng;

36 mag-asawahan ay magbibigay ng P1,000 o di kaya'y
72 mag-asawahan ay magbibigay ng P500 o di kaya'y
360 mag-asawahan ay magbibigay ng P100 o di kaya'y
720 mag-asawahan ay magbibigay ng P50

Ano ang inyong pakiramdam? Tayo-tayo ang mamimili kung saang situasyon tayo pwede. Ang kahilingan ay iyung di makakagulo sa inyong pag-iisip, ang hinihingi namin ay iyung makapag-bibigay tuwa sa inyong puso.
Sa English:  It should not be "GIVE UNTIL IT HURTS, BUT
                                           GIVE UNTIL IT FEELS GOOD."

Ito ay ang buod ng sulat nila Nick and Nora, na nagpapahatid ng panawagan na may mapayapa at maligayang diwa.

Send your donations to tenntan@cgees.com
or contact (043) 778-1591

UPDATE:
Out of the initial letters sent by Nick & Nora, 27 couples have already responded with P14,000.  Tinurik community raised fund by holding a Bingo game and gave P8,000 from the proceeds.  Batangas had already a weekend where they spend some P26,800. We still need your help.

Back to Newsbytes